AHHHHHHHHHHH. Yung malapit na tapos di pa makuha. NAKAKAINIS.

Minsan kasi we end up na nagugustuhan yung mga taong sobrang nagiging close natin. Hindi kasi yun maiiwasan. Syempre lalo na kapag may sweetness na involve sa inyong dalawa. Ang masakit naman dito, meron talagang isang mahuhulog. May mahuhulog talaga, and mas prone dito ay yung mga babae. Madali kasi tayong mahulog na mga babae eh. Sa simpleng sweetness nahuhulog tayo, and yung masama sa nangyayari para sa lalaki eh joke lang lahat. Hindi niya alam nahuhulog na ang babae. And as a girl, mahirap mag-confess. Mahirap sabihing nahulog na tayo sa kanila, kasi we hold back dahil magkakaroon nang gap sa inyung dalawa. Pero what will happen kung hindi mo susubukan diba? Hindi mawawala na magkakaroon nang awkwardness sa inyo. Pero what if pareho nalang pala kayo nang nararamdaman, di may nagbunga sa ginawa mo. You’ll never know until you try diba? Diba mas maganda yung buhay na wala kang tinatanong na what if? 

"Ba’t ko pa kasi hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya, kung yung sweetness naman niya alam ko namang biro lang lahat."
- Tagatanong ni Pamooore